UPDATE JULY 20: Nangako ang DSWD na aayusin ang sistema para sa mabilis na pamamahagi ng ayuda

News

angako ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na papaigtingin nito ang kasalukuyang sistema para masiguro ang mabilis, banayad, at transparent na implementasyon ng social protection programs nito kasabay pag-ulat na 3.1 milyong indibidwal na ang nabibigyan ng ayudang pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Mabusising pag-encode ng mga datos ng mga benepisyaryo ng ika-2 bugso ng social amelioration program ng Department of Social Welfare and Development ang isa sa mga dahilan sa pagkaantala sa pamamahagi ng cash aid, ayon sa ahensiya.

Sa huling tala ng Department of Social Welfare and Development, nasa higit 81,000 ang bilang nila ng duplicate na benepisyarto.

Dapat kasi mula sa isang ahensiya lang makatatanggap ng ayuda ang isang pamilya.

Gayundin upang hindi na maulit pa ang insidente at mapabilis na ang pamamahagi ng ikala­wang tranche ng cash aid ng pamahalaan sa mga nawalan ng trabaho, mga nagugutom na mahihirap na pamilya lalo na sa Metro Manila

Iginiit ng kalihim na sinisikap ng DSWD na pagbutihin ang mga estratehiya at palisiya nito para matiyak ang agarang pamamahagi ng serbisyo sa mga mahihirap.

Samantalang marami rin umano ang tumanggap ng ayuda na hindi kuwa­lipikado habang ang mga nangangailangan ay nai­tsapuwera sa cash subsidy.