UPDATE SAP : SINGLE PARENT WALA NA BANG PAG ASA MAKATANGGAP NG AYUDA

News

Malacañang sinangayunan ang DSWD na hindi kasama ang mga single parent sa bibigyan ng ayuda sa SAP 2nd tranche dahil sa terminong “Household” na ginamit sa Bayanihan Law

SINU-SINO ANG MAAARING MAKATANGGAP NG SOCIAL AMELIORATION PACKAGE?

Ayon sa IATF, ang target na mabigyan ng tulong ay mga pamilyang lubhang apektado ng enhanced community quarantine at mayroon ng kahit isang miyembro na:

  • Senior Citizen
  • Persons with Disability (PWD)
  • Buntis o Nanay na nagpapasuso ng sanggol
  • Solo Parent
  • Indigent Indigenous Peoples
  • Mga walang tirahan
  • Overseas Filipino workers na nawalan o nagkaproblema sa trabaho dahil sa COVID-19
  • Namamasukan bilang kasambahay
  • Drayber ng public utility vehicle
  • ‘No work, no pay’ na empleyado

PAANO MAKATANGGAP NG AYUDA?

Ayon sa DSWD, ang pamamahagi ng ayuda ay naaayon sa “lebel ng pangangailangan.”

Narito ang mga hakbang para makatanggap ng tulong ng pamahalaan:

1. Hintayin na makatanggap ng Social Amelioration Card (SAC) form mula sa inyong lokal na pamahalaan. Ipamamahagi ito sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay ng mga opisyal.

2. Kailangan sagutan ng puno ng pamilya ang SAC form. Kailangan kumpleto ang impormasyon na hinihingi sa dokumento.

3. Isumite ang SAC form sa kawani ng lokal na pamahalaan na babalik sa inyong bahay.

Paalala ng DSWD, ang SAC form ay isang validation tool lamang na naglalayong makita kung sino ang higit na nangangailangan ng emergency assistance sa gitna ng COVID-19 crisis.